Kapansin-pansin ang sobrang kasiyahan ni Rachelle Ann Go nang makita niya nang personal ang Hollywood actress na si Emma Stone.
Ngayong araw, December 14, ibinahagi ng Pinay international musical actress sa Instagram ang kanyang fan photo kasama si Emma.
Sa caption, sabi ni Rachelle: "I adore her so much!!!"
Nagpasalamat din siya sa La La Land actress sa panonood nito ng West End production ng critically-acclaimed musical na Hamilton Victoria Palace Theater sa London.
Ginagampanan ni Rachelle sa Hamilton ang karakter ni Eliza Schuyler Hamilton, asawa ng founding father ng America na si Alexander Hamilton.