PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paulo Avelino on having a non-showbiz GF: "May pros and cons, pero para sa akin, mas madali."

Paulo Avelino briefly speaks about his relationship with Jodie Tarasek. 
by Rachelle Siazon
Published Dec 8, 2017
Paulo Avelino admits he still prefers to keep his relationship with Jodie Tarasek low profile. 

Siniguro ni Paulo Avelino na “happy” siya sa relasyon nila ng Filipino-Australian girlfriend niyang si Jodie Elizabeth Tarasek.

Kahit paano ay naisisingit daw nila ang pagkakaroon ng oras sa isa’t isa sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang trabaho.

Sabi ng Kapamilya actor, “Ayos naman, ayos naman.

"Pero ngayon lang, time of the year na sobrang busy, pero sinusubukan gumawa ng paraan kung kaya.”

Ayon kay Paulo, wala pa silang planong gawin sa darating na Kapaskuhan dahil posibleng wala sa bansa si Jodie sa panahong iyon.

Maliban dito ay hindi na nagdetalye si Paulo tungkol sa relasyon nila ng nobya.

Natatawang inamin ng aktor na sadyang iwas siyang magsalita kapag ang paksa ay tungkol sa kanyang love life.

Aniya, “Oo nga, e, nahirapan nga ako, e.”

Matalinhagang biro pa niya, “natuto na ulit” siyang itago kung anuman ang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Dugtong ni Paulo, “Wala naman… Ang akin kasi, sobrang busy rin ngayon at... happy ako, happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anu’t ano man, aminado ang 29-year-old actor na mas gusto niyang makipagrelasyon sa isang babaeng hindi taga-showbiz.

"May pros and cons, pero para sa akin, mas madali."

Maging sa social media accounts ni Paulo ay hindi siya nagbabahagi ng larawan nila ni Jodie.

Base naman sa Instagram account ni Jodie, huli silang nakunang magkasama ni Paulo sa ginanap na Star Magic Ball, sa Makati Shangri-La Hotel, noong September 30.

Gamit ang salitang Polish, sa caption ng larawan ay tinawag ni Jodie si Paulo na "my king."

Si Jodie ay Polish-Filipino.

moja mi?o?? ? Dress by: @tomford ????Customised by: @martinbautista9 Styled by: @mrdavidmilan MUA: @antheabueno & Hair: @ethandavid_

A post shared by Jodie Elizabeth Tarasek (@jodietarasek) on

STORIES WE ARE TRACKING

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino admits he still prefers to keep his relationship with Jodie Tarasek low profile. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results