Nagpatuloy ang pagdating ng mga kaibigang taga-showbiz ng yumaong aktres na si Isabel Granada sa ikalawang araw ng kanyang burol sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, San Juan.
Karamihan sa mga namataang artista at nagbigay ng kanilang pakikiramay ay mga kaibigan at naging katrabaho ng 41-anyos na aktres sa loob ng kanyang tatlong dekada sa showbiz.
Kabilang dito sina Billy Crawford na nakasama ni Isabel sa That’s Entertainment, ang long-running youth-oriented talent show noon ng yumaong si German Moreno.
Isa si Billy sa mga naging masugid sa pag-post ng pagdadalamhati nang ma-comatose si Isabel noong katapusan ng October hanggang sa tuluyan na nga siyang bawian ng buhay noong November 4.
Namataan din si Senator Tito Sotto at ang asawa nitong si Helen Gamboa.
-

Kagaya ni Isabel Granada, maagang nagsimula si Billy Crawford sa showbiz.
-

Si Billy kasama si Nadia Montenegro, malapit na kaibigan ni Isabel.
-

Ang mag-asawang sina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto. Nakasama nila si Isabel sa 1987 family drama TV series na Hapi House.
-

Si Sen. Sotto kasama si Chuckie Dreyfus, malapit na kaibigan ni Isabel. Sa Hapi House, gumanap bilang magkapatid sina Chuckie at Isabel, habang gumanap namang mga magulang nila sina Sen. Tito at Sandy Andolong, na kalaunan ay pinalitan ni Helen Gamboa.
CONTINUE READING BELOW ↓NOOD KA MUNA! -

Kasamang dumating nina Sen. Tito at Helen ang anak na si Ciara Sotto.
-

Isang production photo ng '80s TV series na Hapi House. Makikita sa larawan sina (L-R) Helen, Isabel, Chuckie, Aga Muhlach, at Sen. Tito.
-

Sina Jennifer Sevilla, Tina Paner, at Harlene Bautista, mga kasamahan din ni Isabel sa That's Entertainment.
-

Ang kaibigan at kasamahan ni Isabel na si Keempee de Leon, anak ni Joey de Leon.
-

Sylvia Sanchez
-

Ang dating aktres na si Jennifer Mendoza na nakilalang leading lady noong '90s at kasamahan ni Isabel sa That's Entertainment.
-

Glydel Mercado
-

Dumating si Alonzo Muhlach kasama ang amang si Niño Muhlach.
-

Si Niño Muhlach na kasabayan din ni Isabel.
-

Regine Tolentino
-

Patricia Javier
-

Rochelle Barrameda
-

Naging emosyonal si Shirley Fuentes sa pag-alala sa kanyang kaibigan at kasabayang si Isabel.
-

Ynez Veneracion
