“Ako po si Teresita Ssen Marquez and I am proud of my unique heritage and proud to be the First Filipina and only asian to join and WIN Reina Hispanoamericana.”
Ito ang pagpapakilala ni Winwyn Marquez sa two-part Instagram post niya kaugnay ng kanyang pagkapanalo bilang Reina Hispanoamericana 2017.
Ginanap ang grand coronation ng Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia noong Linggo, November 5 (Philippine time).
Sa kanyang Instagram posts ay inihayag ni Winwyn ang kanyang saloobin sa pagsabak sa isang international beauty pageant, kasabay na rin ng pagpapasalamat sa mga taong tumulong upang makamit ang pangarap niyang ito.
Pahayag ng 25-year-old beauty queen, “The first few days was really tough kung alam niyo lang and naiyak talaga ako pero i pushed myself and nabuhayan ako ng loob dahil sa mga pinoy,” pahayag ng 25-anyos na dalaga.
Isa-isang pinasalamatan ni Winwyn ang mga taong tumulong sa kanya—kapamilya, katrabaho, tagasuporta, kaibigan, at boyfriend na si Mark Herras.
Maging ang bashers ay kanya ring pinasalamatan.
Sabi ni Winwyn, “Sa mga bashers and mga ibang pinoy na hindi naniniwala sa akin at sa RHA po salamat padin po dahil sa mga sinabi niyo po sa akin mas gusto ko patunayan sa sarili ko na kaya ko.”
Pinuri rin ni Winwyn ang kapwa niya beauty queens.
“[S]a mga PH queens mabuhay kayo hindi nila alam gaano kahirap pinag dadaanan natin and saludo ako sainyong lahat! sa mga pinoy naman po na sumuporta saakin dito at sa bolivia and sa buong mundo sana po naging proud kayo para sainyo po toh para sainyo po ang crown na toh para sa PILIPINAS at para kay Papa Jesus.”
