Nagbigay-pugay si Ken Chan sa kanyang mentor-discoverer na si German "Kuya Germs" Moreno ngayong All Souls' Day.
Dinalaw ng This Time I'll Be Sweeter actor ang libingan ng kanyang tatay-tatayan sa Loyola Memorial Park, Marikina City, ngayong Huwebes, November 2.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Ken na nami-miss niya ang tinaguriang Master Showman at star-builder.
Mensahe ng Kapuso actor, “Namiss kita Master Showman. Kung nasan ka man ngayon ‘Tay alam kong masaya ka.
“Lagi ka pa din nandyan sa tabi ko… lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita!”
Pumanaw si Kuya Germs noong January 8, 2016, sa edad na 82.
