Last week ay nagbakasyon sa Japan ang magkasintahang sina Luis Manzano, 36, at Jessy Mendiola, 24.

Lagpas isang taon na rin ang kanilang relasyon, kaya marami ang naghihintay kung kailan magle-level up ang kanilang relasyon.
Maging ang mga magulang ni Luis na sina Congresswoman Vilma Santos at Edu Manzano ay tila naiinip na sa kanyang paglagay sa tahimik.
Sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Lunes, October 23, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis kung nag-propose na ba siya kay Jessy habang nasa Japan sila.
Sagot ni Luis, “Hahahaha. Hindi pa.”
Samantala, nilinaw ni Luis na nagkaproblema lang ang Instagram ng kasintahan at hindi ito nagbura ng kanyang account (@senorita_jessy).

Pahayag ng I Can See Your Voice host, “Nagkaproblema lang ‘ata, kagabi pa ganyan account niya.”
