Nagbalik na sa Twitter ang GMA-7 actress/host na si Maine Mendoza.
Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat ang phenomenal star at Dubsmash Queen sa mga fans nila ni Alden Richards sa walang sawa nitong suporta lalo na sa mga dumalo sa AlDUb Nation (ADN) Festival 2017 na ginanap ngayong Linggo, October 22, sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ito ang ikalawang beses na ginanap ang AlDub Nation Festival.
Kalakip ng tweet ni Maine ay ilang litrato kuha mula sa nasabing event.
Sulat ni Maine, "Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong binibigay! ? #ADNFestival2017"
Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong binibigay! ? #ADNFestival2017 pic.twitter.com/ZBmfapLxg6
— Maine Mendoza (@mainedcm) October 22, 2017
Nitong nakaraang September 29, unang ibinalita ni Maine ang kanyang planong bumalik sa Twitter at sinabing may proyekto lang itong inaantay na matapos.
Matatandaang pansamantalang nag-deactivate si Maine ng kanyang Twitter account noong June 2 dahil nais umano nitong iwasan ang mge negatibong komentong nababasa mula sa kanyang mga followers at maging sa mga fans din nila na nag-aaway-away.
Sulat ng Eat Bulaga host, "It’s just lately, some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion. It’s gotten to the point where fans are quarelling with fans too, and not with bashers anymore."
Samantala, kasama rin ni Maine na dumalo sa nasabing event ang love team partner nito na si Alden Richards.
Nagpahayag din si Alden ng pasasalamat sa walang-sawang suporta na natatanggap nito sa kanilang mga tagahanga.
Tweet ni Alden, "Thank you ALDUBnation. ???? #ADNFestival2017 ????????"
Thank you ALDUBnation. ???? #ADNFestival2017 ????????
— Alden Richards (@aldenrichards02) October 22, 2017
