Patuloy ang pagbuhos ng suporta para kay Kathryn Bernardo, mula sa fans at kapwa-artista, kaugnay ng pagtawag ni Xander Ford na “sakang” ang Kapamilya actress.
Sa pamamagitan ng social media, tila kinuyog si Xander ng Kapamilya stars na sina Diego Loyzaga, Jerome Ponce, Julian Estrada, Pamu Pomarada, Dawn Chang, at Karen Reyes.
May paalala rin ang ilan sa kanila kay Xander, na unang nakilala bilang Marlou Arizala.
DIEGO LOYZAGA. Sabi ni Diego Loyzaga, anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, dapat magparetoke muli si Marlou upang hindi mamukhaan ng KathNiel fans.
KathNiel ang tawag sa tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla.
Nako marlou laki ng pagkakamali mo. Ako sayo, paretoke ka uli para di ka mamukaan ng tao.
— Diego Loyzaga (@loyzagadiegs) October 13, 2017
Wag kathniel pls lang ???? kahit muka ka ng koreano
— Diego Loyzaga (@loyzagadiegs) October 13, 2017
Pero sa sumunod niyang tweet, humingi ng paumanhin si Diego kung nadala siya ng kanyang damdamin.
Medj na 3guard ako dun ah. Sensya na madlang
— Diego Loyzaga (@loyzagadiegs) October 13, 2017
JEROME PONCE. Pinayuhan naman ni Jerome Ponce si Xander na humingi ng sorry, kahit maliit daw ang tsansang patawarin siya sa kanyang ginawa.
Grabe... magsorry ka na, maliit ata chance na baka pde pang tanggapin sorry mo kesa sa pagparetoke mo, ATLEAST may chance ????????????
— Jerome Ponce (@ponce_jerome) October 13, 2017
Nag-tweet din siyang may pagtukoy sa ongoing primetime teleserye na kinabibilangan niya, ang The Good Son.
Tinawag ni Jerome si Xander na "The Lonely Son."
So si Xander Ford ang The Good Son, The Perfect Son, The Illegitimate Son, The Cheerful Son at The Lonely Son lalu na ngayon! ??????????
— Jerome Ponce (@ponce_jerome) October 13, 2017
KAREN REYES. Tweet naman ni Karen Reyes, former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, hindi dapat gamitin ni Xander ang “Xander” dahil hindi raw bagay ang magandang pangalan sa pag-uugali nito.
Hindi sya dapat tawaging xander dahil ang ganda ng pangalan na yun hindi bagay sa ugali nya https://t.co/HC75HdECcT
— Karen Reyes (@iamKarenReyes17) October 13, 2017
Tinawag pa niyang “best actor” si Xander dahil sa patuloy nitong pagtangging siya ang nasa video na tumawag kay Kathryn ng "sakang."
And the best actor award goes to... https://t.co/MMecClxaJn
— Karen Reyes (@iamKarenReyes17) October 13, 2017
PAMU PAMORADA. Pinayuhan naman ni Pamu Pamorada na baguhin ni Xander ang kanyang ugali.
Please marlou. Wag ganun.????
— Pamu Pamorada (@PamuPamorada08) October 13, 2017
Diba gusto mong gumandang lalaki?? Mas gaganda kang lalaki kung pati yung manners inaayos.???? sad kasi lage kitang pinag tatangol.????
— Pamu Pamorada (@PamuPamorada08) October 13, 2017
Ayon sa 25-anyos ex-PBB: Unlimited housemate, ipinagtatanggol pa niya noon si Xander dahil pakiramdam niya ay misunderstood ito, subalit may mga patunay na sa akusasyon laban sa kanya.
As in pinagtatangol kita kasi feeling ko dka lng naiintindihan ng iba???? pero dami na tlgang nega tungkol syo and may mga patotoo pa lahat.
— Pamu Pamorada (@PamuPamorada08) October 13, 2017
Sa kabilang banda, nakiusap naman si Pamu sa mga netizens na itigil ang pambu-bully.
Gayahin daw ang magandang halimbawa nina Kathryn at Daniel na tahimik lang sa isyu.
Stop na tyo tahimik na lng tyo???? gaya nila kath and dj.:) good example diba so love lng.????????????????
— Pamu Pamorada (@PamuPamorada08) October 15, 2017
JULIAN ESTRADA. Tweet naman ng dating Star Magic talent na si Julian Estrada:
xanders a joke
— julian estrada (@julestrada) October 15, 2017
DAWN CHANG. May halong biro naman ang tweet ng isa pang PBB ex-housemate na si Dawn Chang.
Hinamon niya si Xander na i-bash ang dalawang kinatatakutang characters sa Wildflower: sina Lily Cruz (Maja Salvador) at Red Dragon (Christian Vasquez).
Xander Ford try mo naman ibash si Lily Cruz, o kaya naman si Red Dragon, ewan ko lang kung anong mangyayari sayo. ????
— DAWN CHANG (@dawnchangoffcl) October 13, 2017
Kasama rin si Dawn sa cast ng afternoon teleserye ng ABS-CBN.
Nauna nang naghayag ng kanilang suporta kay Kathryn sina Gretchen Ho, Sofia Andres, Alyana Asistio, at ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.
XANDER ISSUES APOLOGY. Sa gitna ng isyung ito, humingi na ng paumanhin si Xander kay Kathryn, pati na rin kay Daniel.
Bagamat hindi pa niya direktang inaamin na pinagsalitaan niya ng masama si Kathryn.
