PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Clarete shames basher who calls her "losyang"

Julia Clarete posts about a netizen who criticized her appearance. 
by Bernie V. Franco
Published Sep 29, 2017
Former Eat Bulaga! host Julia Clarete hits back at basher who criticized her appearance. 

Hindi napigilang magkomento ng dating Eat Bulaga! host na si Julia Clarete sa isang netizen matapos siyang laitin nito at gusto pang intrigahin.

Nag-post sa Facebook ang 38-anyos na actress-host ng screenshot ng mga komento ng ilang netizens, kabilang ang basher na lumait sa kanya, noong Miyerkules, September 27.

Tinawag ng basher si Julia na "payat," "losyang," at pinansin pa ang pasa sa kaliwang braso nito.

Ang simpleng tugon ni Julia rito, “Nakakahiya naman sayo…”

Sa caption ng post ni Julia, sinabi niyang masarap ding pumatol sa bashers paminsan-minsan.

Pero tiniyak ng aktres na hindi niya ito gagawing libangan.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami namang netizens ang nagpakita ng suporta kay Julia, kabilang ang kanyang avid supporters.

Paalala ni Julia sa mga nagmamalasakit sa kanya, walang dapat ikabahala kung may mga taong naninira.

“Wag niyo na ika-stress, bagkus magpasalamat tayo na minsan may mga ganito ng bagay na nangyayari sa atin. Lumalabas tuloy ang pagkakaisa. Diba? Love it!

"Love you guys and gals! Stay sweet and funny, forgive and carry on!" bahagi ng kanyang komento.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang naninirahan sa Kuala Lumpur, Malaysia, si Julia.

Ikinasal siya sa kanyang long-time Irish boyfriend na si Garreth McGeown sa Ballynahinch Castle Hotel noong Hulyo.

Read Next
Read More Stories About
Julia Clarete
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Eat Bulaga! host Julia Clarete hits back at basher who criticized her appearance. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results