Isang malamang status update ang pinost ni Deniece Cornejo ngayong hapon, September 24, sa kanyang Facebook account.
Sa litratong ipinost niya na naka-set to public, makikitang nasa loob siya ng isang sasakyan at nakadungaw sa bintana.
Sabi naman niya sa caption, "Mom is right. It takes forever to fight but it will be worth it.
"Fight isn't over. Stand still."
Maaaring maikonekta ito sa balitang lumabas kamakailan, kunsaan ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang kaso ng rape at attempted rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong Navarro.
Sa resolution ng DOJ sa kaso na may petsang September 6, 2017, sinabi ritong Deniece "suffers from a very serious credibility issue."
Taong 2014 nang magsampa ng dalawang hiwalay na kaso ng rape si Deniece laban kay Vhong.
Sinabi niyang pinagsamantalahan umano siya ng It's Showtime host noong January 17 at January 22.
