Mismong si Ellen Adarna na ang nagbunyag ng term of endearment nila ng rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Sa Instagram post niya kagabi, September 19, sinabi ng Kapamilya actress na natalo niya ang kanyang “baby love” sa larong chess.
Sabi ni Ellen: “Erwin Romulo gave me a chance. Hahahaha sorry baby love @ekomsi 3 wins nako lol not chamba na ahaaha #winning #yabang sabi nga nila 'just like in the game of chess, the queen always protects the king' lol #sabeh.”
Ang account na @ekomsi ay ang personal Instagram account ni John Lloyd.
May kaparehong post din ang Kapamilya actor sa kanyang Instagram account, kung saan ang isinulat niyang caption ay “Erwin beat me.”
Si Erwin Romulo, dating editor ng Esquire Philippines, ay malapit na kaibigan ni John Lloyd.
Noong nakaraang linggo, si John Lloyd naman ang tumawag kay Ellen ng “baby,” habang nasa apat na araw na bakasyon sila sa Virgin Island, Sta. Fe, Daanbantayan, Cebu.
Naging viral naman ang videos ng aktor, na ipinost ng mga kaibigan nina John Lloyd at Ellen sa IG stories.
Sigaw ng netizens, hindi raw inaalagaan ng mga ito ang imahe ng matinee idol at product endorser.
