PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Saab Magalona reacts to contradicting statements of Duterte and Dela Rosa on drug war

Saab Magalona on President Duterte's previous statement about killing drug addicts: 'I mean, shall we ignore the other headlines?! Lahat na lang joke.'
by Arniel C. Serato
Published Sep 7, 2017
Idinaan ni Saab Magalona sa Twitter ang kanyang pagkadismaya sa tila magkaibang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Bato dela Rosa tungkol sa pagpuksa ng ilegal na droga sa bansa.

Nagbigay ng reaksiyon ang actress-blogger na si Saab Magalona sa sunud-sunod na balita tungkol sa patayang nagaganap kaugnay ng malawakang kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa ilegal na droga.

Sa kanyang Twitter noong Martes, September 5, nag-post si Saab ng screen shots ng mga headline ng magkaibang statements ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Philippine National Police Chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa tungkol sa pagpuksa sa sangkot sa ilegal na droga.

Sa ginanap na Senate investigation kaugnay ng pagkamatay ng estudyanteng si Kian de los Santos noong Martes, sinabi ni Dela Rosa: "Walang sinabi si Presidente sa akin na pumatay kayo nang pumatay."

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Duterte kung saan hinimok niya ang publiko na patayin ang drug addicts.

Maikling caption ni Saab rito: "But..."

Sa sumunod niyang post ay ini-screenshot naman ni Saab ang mga komento sa kanyang naunang post, kung saan sinabi ng ilang netizens na biro lamang ang naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa pagpatay sa mga drug addict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya rito: “Sobrang jirits pls LORD GIVE ME STRENGTH.”

Ang "jirits" ay gay slang para sa salitang "naiirita."

Sinundan pa ito ni Saab ng isang tweet: "I mean, shall we ignore the other headlines?! Lahat nalang joke. Kadiri"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Saab Magalona
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinaan ni Saab Magalona sa Twitter ang kanyang pagkadismaya sa tila magkaibang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Bato dela Rosa tungkol sa pagpuksa ng ilegal na droga sa bansa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results