Sinorpresa ni Sarah Geronimo ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli nang lumipad ito patungo sa Cebu kahapon, August 5.
Kasama si Matteo sa IronMan 70.3 triathlon event na ginanap sa siyudad kaninang umaga, August 6.
Makikita naman sa mga litratong in-upload ng ASAP head writer na si Garlic Garcia ang ilang sweet moments nina Sarah at Matteo.
Saad ni Garlic sa kanyang post, "When a surprise is a success. Happy to be here with you and all your loved ones @mateoguidicelli now go get that sub-5H finish today at #IM703philippines #cebu"
Meron ding litrato si Sarah kung saan may hawak siyang banner na nagpapakita ng suporta para sa kanyang long-time boyfriend.
Nakasulat sa banner, "Matteo Congrats my Love! Gihigugma Tika!"
Ang "Gihigugma Tika" ay "I love you" sa salitang Cebuano.
Taong 2015 nang nagkaroon ng "best finish" sa isang IronMan event si Matteo dahil sinalubong siya ng singer sa finish line. Tumakbo pa ang dalaga at niyakap agad ang kanyang boyfriend.
