Nilinaw ni Ai-Ai delas Alas na labas-pasok sa rehabilitation center ang dating child star na si Jiro Manio dahil na rin sa kagustuhan nito.
Matatandaang noong Marso ay inihayag ni Ai-Ai na nais ng mga kamag-anak ni Jiro na ilabas ito ng rehabilitation center na kinaroroonan nito.
Read: Jiro Manio to be released from rehab center against Ai-Ai delas Alas's wish
Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 30, ibinalita ng Kapuso comedienne-TV host na kakabalik lang ulit ni Jiro sa rehab center.
Ayon pa kay Ai-Ai, patuloy ang pagsustento niya sa rehabilitation program ni Jiro hanggang sa kasalukuyan.
“SI JIRO PAIBA IBA YAN NG IISIP SO MINSAN WALA NA LANG AKO MAGAWA KUNDI IPAG PRAY SYA... yan ang text nya noon june 3...
“at ngayun araw na ito nandoon sya ulit sa REHAB ....
“AKO PA DIN ANG NAG BABAYAD HANGGANG NGAYUN NG REHAB NYA...”
Patunay rawng pabagu-bagong isip ni Jiro ay ang ibinahagi ni Ai-Ai na text message ng dating child actor na nagsasabing mas gusto muna nitong mamalagi sa tinutuluyang bahay.
Narito ang buong text message ni Jiro sa doktor nito noong June 3:
“Good am po doc liz. Gusto ko lang po sabihin na ayoko po muna bumalik sa center and about sa advocacy its sounds good but i cant do that ng nagsstay sa rehab gusto ko magstay na po ako dito sa amin magrereport report nalang po ako sa center just in case i feel any of those cravings..
“sarili ko po desisyon ito sana po marespeto natapos ko naman na po gusto ni ms ai siguro sa ngayon its time to move on and i will look on things in other ways and also taking good care of my family and maintain taking medicine."
Matatandaang Hunyo 2015 nang makita si Jiro na pagala-gala sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.
Hulyo 2015 nang maiulat na si Ai-Ai ang boluntaryong tumulong kay Jiro sa pagsailalim nito sa rehab.
