Nagpaabot ng dasal at pakikisampatiya ang ilang local celebrities kaugnay ng pag-atake ng isang gunman sa Resorts World Manila (RWM), sa Pasay City, ngayong madaling-araw ng Biyernes, June 2.
Sa kasalukuyan, nasa 37 na ang patay, kabilang na rito ang di pa nakikilalang gunman.
Ang ilan pang mga namatay ay guests at empleyado ng hotel na na-suffocate diumano dahil sa sunog na inumpisahan ng nakamaskarang gunman.
Lagpas naman sa 50 ang nasa ospital ngayon dahil sa kanilang tinamong pinsala sa insidente.
Sa Twitter, nagpaabot ng mensahe ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa ating mga kababayan na manatili na lamang sa bahay para na rin sa kanilang kaligtasan.
I think it is best for everyone to just stay home right now. Be safe. God bless us.
— jose marie viceral (@vicegandako) June 1, 2017
There's still a lot of reasons to be grateful for. Let's just continue spreading LOVE no matter what. GANDAng tanghali.
— jose marie viceral (@vicegandako) June 2, 2017
What in the world is happening. Watching CNN, hoping everyone makes it out of Resorts World unharmed.
— Janine Gutierrez (@janinegutierrez) June 1, 2017
Ang Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga ay pinalakas naman ang loob ng mga empleyado at mga taong nasa RWM sa pamamagitan ng kanyang tweet.
To our friends at @rwmanila, we stand with you. You've been a great home for @TheVoiceABSCBN and we will rock together again in July.
— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) June 2, 2017
Samantala, dasal at pakikiramay ang alay nina Bianca Gonzalez at Dingdong Dantes para sa mga kaluluwa ng mga sundalong namatay sa Marawi siege at mga sibilyan sa Resorts World Manila incident.
11 of those defending the country in #Marawi yesterday, 30+ in RW last night. God bless their souls and comfort their loved ones. ????????
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) June 2, 2017
I just landed here in SFO and heard about another tragedy that happened in Resort's World. I mourn with all the families of our victims--
— Dingdong Dantes (@iamdongdantes) June 2, 2017
-- from our fallen soldiers in Mindanao, to the civilian casualties. Let us all be vigilant and and not add to the mayhem by spreading
— Dingdong Dantes (@iamdongdantes) June 2, 2017
unverified news. May God bless us all.
— Dingdong Dantes (@iamdongdantes) June 2, 2017
Ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay humiling naman ng gabay mula sa Panginoon sa gitna ng mga nangyayaring kaguluhan sa bansa.
Dear Lord, protect us from all evil. Do not let fear overwhelm us but instead help us to besteadfast In our faith in your amazing power.
— ogie alcasid (@ogiealcasid) June 2, 2017
Kinondena naman ng pamunuan ng Resorts World Manila ang naging aksiyon ng gunman, na ayon sa kanila ay wala sa matinong pag-iisip.
