Nagbabala si Miss Universe-Philippines 2017 Rachel Peters hinggil sa mga pekeng Twitter accounts na gumagamit sa kanyang pangalan upang makapanloko ng ibang tao.
Noong nakaraang linggo, ibinahagi ni Rachel sa Instagram ang kanyang official Twitter account.
Bahagi ng kanyang mensahe: “I've only been using it to keep up to date with the news but have heard others have been posing as me and ripping people off.”
Humingi rin ng paumanhin si Rachel sa mga nabiktima ng posers.
“So my apologies to anyone who has fallen victim and pls share so we can stop these people...”
Sa comments section, ibinahagi ni Rachel ang modus operandi ng posers na ito.
Ini-report na raw niya ito at umaasang maaksyunan agad.

