Lumipad patungong Russia nitong Biyernes, May 12, ang negosyante at tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz.
Nakatakdang isilang doon sa Lunes, May 15, ang kanyang pangatlong batch ng mga anak na kambal.
Ayon sa ulat ng News5, parehong surrogate mother sa nauna niyang dalawang kambal ang sumailalim din sa in vitro fertilization (IVF) para sa kanyang ikatlong set ng twins.
Taong 2012 isinilang ang kanyang panganay na kambal na pinangalanan niyang Prince Sean at Princess Synne.


Taong 2015 naman noong nagsilang muli ang parehong surrogate mother ng kambal na lalaki at pinangalanan naman niyang Prince Harry at Prince Harvey.

