Naglabas ng sama ng loob ang ina ni Charice na si Raquel Pempengco sa kanyang Facebook account kaninang umaga, April 30, 2017.
Labis na dinamdam ni Raquel ang comments ng fans ni Charice, partikular na ang pagsabi nilang "laos, purdoy, at nakikitira" si Charice pagkatapos malaman ng mga ito na hiwalay na si Charice sa kanyang live-in partner na si Alyssa Quijano.
Read: Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up; Charice to quit showbiz?
Sa pamamagitan ng isang Facebook status, sabi ni Raquel, "SA LAHAT PO NG SUMUSUBAYBAY SA ANAK KONG SI CHARICE… Huwag naman ninyo masyadong husgahan ang anak ko ayon lang sa nkikita nyo.
"LAOS, PURDOY, AT NAKIKITIRA. MGA HAKA HAKA LAMANG PERO WALANG KASIGURADUHAN."
Bilang isang Filipino international singer, pinaalala ni Raquel na nagbigay karangalan at saya ang anak sa kanyang mga kababayan.
Dagdag ni Raquel, "SI CHARICE EH NAKA TATAK NA ANG PANGALAN NA NAGBIGAY KARANGALAN SA BANSANG PILIPINAS PARA SABIHAN NA LAOS. KUNG DI MAN PO XA LUMALABAS SA ENTABLADO YUN EH SARILING CHOICES NYA.
"MINSAN NA RING IBINIGAY SA ATIN ANG KASIYAHAN BILANG ISANG MAHUSAY NA MANG AAWIT DI LAMANG DITO KUNDI SA IBANG BANSA."
Nanawagan din si Raquel na bigyan ng respeto ang mga desisyon ni Charice.
Lahad niya, "KAYA BIGYAN NAMAN PO NATIN XA NG CHANCE PARA PAGBIGYAN NAMAN KUNG ANO ANG GUSTO NYA SA KANYANG PAG AWIT. RESPETO LAMANG PO BILANG PAG RESPETO NG IBANG LAHI SA kanya.."
Nagbigay din siya ng suporta sa kanya anak, "CHARICE BASTA LAGI MONG TANDAAN NA ANDITO LANG AKO IN CASE NA KAYLANGAN MO KO..."
Noong 2013, nagkaroon ng alitan sina Charice at ang kanya ina, pero nagkaayos din sila pagkalipas ng isang taon.
THE BACK STORY. Ayon sa isang ulat ng Pilipino Star Ngayon noong Miyerkules, April 26, umalis daw si Alyssa sa kanilang apartment bitbit ang mga sariling gamit at ilang gamit na hindi kanya.
Si Charice naman ay nakikitira ngayon sa isang fan sa Laguna.
Nagtanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang malalapit kay Charice, kabilang na si Raquel at ang manager ni Charice na si Jed Velasco, pero si Jed lang ang sumagot.
Matagal na raw hindi nagkakausap sina Jed at Charice, kaya wala raw siyang alam tungkol sa balita.
Subalit naikuwento ni Jed na nagtangka raw si Charice na mag-quit ng showbiz.
Noong March 24, 2017, magkakaroon sana ang singer ng isang rock concert, ang Charice: End of a Chapter Rock Concert sa KIA Theatre, ngunit kinansela ito ng producer sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Itong concert daw sana ay magiging proper farewall ng international star sa kanyang mga tagapahanga.
Sa pamamagitan din ng kanyang social media account, nagpahiwatig din si Charice na tila pagod na siya at masaya na siya sa mga nangyari sa kanyang career.
I can't anymore. I'm over it.
— . (@OfficialCharice) March 9, 2017
Happy for what I've achieved, for what I've become, for making people happy. I'll just leave it like that. I'm tired now.
— . (@OfficialCharice) March 9, 2017
