PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon reveals being in a long-term relationship

Joem Bascon is happy with his girlfriend of six years, but he is not ready to settle down yet.  
by Rey Pumaloy
Published Apr 22, 2017 | Updated Apr 22, 2017
A happy man in a relationship, Joem Bascon however is putting his career ahead of marriage. "Ipon muna," he says, "sinasagad ko rin yung puwedeng ma-i-offer sa akin. Naiintindihan naman niya."

Anim na taon na pala ang relasyon ni Joem Bascon sa kanyang kasintahan na ayaw muna niyang isapubliko ang identity.

Masaya sila pero wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal.

Ayon kay Joem, “Ipon pa, sinasagad ko rin yung puwedeng ma-i-offer sa akin, yung pagbibida.

“Kasi once na nag-settle ka, hindi ko naman inaano, mag-iiba na yung tingin ng manonood.

“Yung mga roles kasi minsan, parang plus factor na kahit may karelasyon ka, wala ka pang asawa.

“Naiintindihan naman niya, happy naman ako sa kanya.”

Maganda ang takbo ng career ni Joem ngayon.

Malaki ang kanyang partisipasyon sa bagong lalabas na serye sa Kapamilya network, ang Pusong Ligaw, na magtatampok sa love team nina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Sa pressscon ng nasabing serye na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem nitong Miyerkules, April 19, sa Dolphy Theater.

IGOROT LOVER. Isang igorot na nagkaroon ng romantic relationship sa karakter ni Beauty Gonzalez ang gagampanan ni Joem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang naging dahilan kung bakit nawasak ang matagal na pagkakaibigan nina Beauty at ng karakter ni Bianca King sa istorya.

“Sobrang happy ako sa kanila,” pahayag ni Joem tungkol sa dalawang katrabaho.

Nagkasama na raw sila ni Beauty sa hindi pa napapalabas na film ni Direk Lau Fajardo na Kasunduan.

“So medyo kampante na kami sa isa’t-isa kapag magka-eksena.

“Kay Bianca naman, nakikita ko na siya, hindi ko naman alam na makaka-work ko siya.

“Ngayong kakabalik niya bilang Kapamilya, excited akong maka-work siya.

“Very professional, nagulat nga ako kasi sobrang galing niyang umarte.”

Nangapa raw si Joem sa unang salang nilang dalawa ni Bianca sa eksena.

Sabi niya, “Bigla na lang kaming binigyan ng scene, so medyo ilang.

“Na-work out naman agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A happy man in a relationship, Joem Bascon however is putting his career ahead of marriage. "Ipon muna," he says, "sinasagad ko rin yung puwedeng ma-i-offer sa akin. Naiintindihan naman niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results