Hindi itinatanggi ni Megan Young na napag-uusapan na nila ng kanyang longtime boyfriend na si Miakel Daez ang tungkol sa kasal.
Pahayag ng Miss Miss World 2013, “Of course, given na six years na kami… and, you know, we’re both adults.
“We talked about it recently, it just probably not the right time for us right now.
“It’s something that isn’t new to us to talk about.
“And we get our family involved when we talk about it also.”
Sa usaping pamilya, nabanggit ni Mikael sa isang interview na isa sa pinaka-memorable trip nila ay nang isama at ipakilala siya ni Megan sa pamilya nito sa father side.
“Sa Maryland,” nakangiting pagkumpirma ni Megan.
“Actually, nakilala na niya ang kuya ko before, pero very briefly.
“Na-meet niya rin yung mom ng brother ko, sister-in-law ko, mga pamangkin ko.
“So it was really, really nice trip for us.
“Happy ako na na-meet niya ang family ko on that side.”
Masasabi ba ni Megan na si Mikael na talaga ang lalaking para sa kanya?
“Well, I hope so,” nakangiting tugon ng Kapuso actress-TV host.
“You know, Mikael is the final one for me.
"I always hope that and in my heart, he is na.”
ANOTHER DREAM TRIP. Kagagaling lang nina Megan at Mikael sa kanilang Holy-Week vacation sa Maldives.
Tan na tan pa nga si Megan nang dumating sa grand presscon ng Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, ang Our Mighty Yaya, na ginanap sa Valencia Events Place noong April 19.
Nagkuwento rin ito tungkol sa latest trip nila ni Mikael.
“Sobrang enjoy, sobrang ganda ng Maldives.
“Siyempre, hindi mo pa rin maiku-compare sa Philippines.
“Ang dami ko pa rin nakikitang maganda sa Pilipinas.
“Pero iba, e, maa-appreciate mo talaga yung ganda ng Maldives.”
Ano naman ang hindi niya makakalimutang moments nila ni Mikael sa Maldives?
Ayon kay Megan, “I think, noong nag-snorkeling tour kami, noong papalapit kami sa area na mag-snorkeling kami.
“Nang makita namin ang tubig, sabi namin, parang edited yata ang tubig.
“As in sobrang blue, parang light blue na ewan, ang ganda!
“Parang pareho kaming natameme sa ganda ng water.”
"Maldives on a budget" lang daw sila at pinasyal ang iba pang lugar sa resort.
Pagbabahagi ni Megan, “Dun sa local trips, dun nakatira ang mga locals.
“So you have to respect their cultures and their religion, kailangan takip ka.
“May mga areas lang na puwede kang mag-swimming na naka-bikini.”
Sa hiwalay na panayam ay natanong si Mikael, sa dami na ng napuntahan nilang dream destinations, may naisip na ba itong pupuntahan sa honeymoon nila kung saka-sakali.
Ayon kay Megan, “Alam ko yung sagot niya, pero actually, hindi ko rin alam sakali.
“Feeling ko, we will probably go to Antarctica, kasi yun ang dream niyang destination.
“Although I don’t personally like the cold, but maybe I would go to the cold for him.”
READY TO BE A MOTHER? Sa pelikula, gaganap si Megan na stepmom ng mga bata na high-school age na ang panganay. Kaya malaking adjustment daw ito sa kanya.
“Parang, ‘Oh gosh, hindi pa nga ako ready na magkaroon ng anak na sarili ko.’”
Sa totoong buhay, handa na ba siyang magkaroon ng anak?
“Not yet, not yet, hindi pa ready!” natawang sabi ni Megan.
Dagdag niya, “Kailangan engagement, married, saka anak.”
