Hindi na bago ang pagbisita ni Sarah Geronimo sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli sa Cebu.
Ngunit para sa actor-athlete, espesyal ang pagpunta ng Pop Princess nang magdiwang siya ng kanyang 27th birthday noong March 25.
Lingid sa kaalaman ni Matteo, isang sopresang pagbisita ang plinano ni Sarah para sa kanya.
Ayon sa kuwento ng Can't Help Falling in Love actor kay Cinema News host Bianca Gonzalez, “She surprised me in Cebu.
“She said she was so busy with The Voice, so I said okay.
“We understand naman. But she surprised me. I was surprised.
“My mom and my best friend from Cebu [ang kakuntsaba niya].”
Wala raw kaaalam-alam si Matteo na nang sinabi ni Sarah na hindi siya makakapunta, nasa Cebu na pala ito.
“I had no clue because I called her in the morning and she said, ‘I’m sick. I cannot go out.’
“Sabi ko, okay, and I was pretending not to be tampo.
“I was like, ‘Alright, no problem.’ But inside, I was bleeding. I’m joking.
“She was there na pala. She landed already.”
Dahil dito, humanga raw si Matteo sa kanyang girlfriend dahil sa panahon ngayon ay mahirap nang magtago ng sorpresa.
“Di ba? With social media and everything.
“That’s why I was always checking sa Twitter kung may update, pero wala,” sabi ni Matteo.
Sa nakaraang press conference ng Can't Help Falling in Love, sinabi ng aktor tungkol sa sorpresa ni Sarah sa kanya, “Yun ang pinakamalaking gift ko sa taon ko ngayon.”