Nagharap sa Prosecutor’s Office ng Quezon City ngayong umaga, March 31, ang basketball player na si Kiefer Ravena at ang alleged extortionist niyang si Kristoffer Monico Ng.
Sa tulong ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACCG), pormal na naghain ng reklamo si Ravena laban kay Ng, isang banker.
Inakusahan niya ito ng extortion, robbery, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
.@angelmovido TINGNAN: Kiefer Ravena, nasa QC Prosecutor's Office para maghain ng kaso laban kay Kristoffer Monico Ng | via @zhandercayabyab pic.twitter.com/jaBAskG9RF
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 31, 2017
Isinailalim din si Ng sa inquest proceeding ngayong umaga.
May takip sa mukha si Ng nang dumating ito sa QC Prosecutor’s Office, ngunit hindi iyon nakatulong dahil mabilis na kumalat ang mga larawan niya nang hulihin siya ng PNP-ACCG sa entrapment sa Eastwood City noong Miyerkules, March 29.
Kristoffer Ng, suspek sa pangongotong kay Kiefer Ravena, isasailalim na sa inquest proceeding | @angelmovido pic.twitter.com/FsCeNdDgov
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 31, 2017
Inakusahan ni Ravena si Ng ng panghihingi sa kanya ng P50,000, kapalit ang mga impormasyon tungkol sa pagkalat sa Internet ng alleged nude photos niya.
Parehong graduates ng Ateneo de Manila University sina Ravena at Ng.