Tila welcome na welcome si Sam Concepcion sa pamilya ng girlfriend niyang si Kiana Valenciano.
Makikita sa post ng ina ni Kiana, ang talent manager na si Angeli Pangilinan, na kasama si Sam sa kanilang family dinner kamakailan.
Kasama sa photo collage ni Angeli noong Lunes, February 27, ang asawa niyang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano; at mga anak niyang si Gab at Paolo na kasama ang asawa nitong si Sam.
Sa February 26 episode ng Gandang Gabi Vice, inamin ng 24-year-old na bunsong anak nina Gary at Angeli ang tungkol sa relasyon nila ni Sam.
Bago ito, matagal nang usap-usapan ang tungkol sa pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa dahil mga post nila sa social media.