Naging mas espesyal ang winter vacation ni Jade Lopez sa Japan dahil sa wedding proposal ng boyfriend niyang si Rocky Siccion.
Base sa Instagram post ng Starstruck alumna, nag-propose sa kanya ang boyfriend noong January 31 sa Yuzawa Park Hotel sa Niigata, Japan.
Makikita rin sa kanyang post ang sunud-sunod na masayang pagbati ng mga kaibigan, kabilang na ang ka-batch niya sa Starstruck na si Jennylyn Mercado, Ehra Madrigal, Jana Roxas, Richelle Asuncion, at Michael Flores.

Base sa mga posts, "yes" ang sagot ni Jade.