Isang maiksi pero makahulugang tweet ang ipinost ni Gretchen Ho sa gitna ng balitang hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Robi Domingo.
Nag-tweet ang Umagang Kay Ganda host nung Miyerkules ng gabi, February 1.
Tatlong bagay ang hiningi ni Gretchen na binanggit niya sa tweet: oras, respeto, at dasal.
Time. Respect. Prayers.
— Gretchen Ho (@gretchenho) February 1, 2017
Thank you.
Hindi naman nagbigay ng iba pang impormasyon si Gretchen bukod sa tweet.
Samantala, maingat naman si Robi sa kanyang mga binitawang salita sa interview sa kanya ng Tonight With Boy Abunda, nitong Martes ng gabi, January 31.
Saad ng aktor, "Siguro masasagot ko 'yan in the coming days, coming weeks, pero as of now, we are okay."
Read: Robi Domingo speaks up about rumored breakup with Gretchen Ho
