Isang mahabang mensahe sa Instagram ang ibinahagi ng Kapuso actor na si Paolo Contis para sa kasintahang si LJ Reyes nang magdiwang ang aktres ng kaarawan noong mismong araw ng Pasko, December 25.
Kalakip ang photo collage ni LJ, sinabi ni Paolo sa caption na ngayon lang siya naging sentimental at tila ibinuhos na niya ang nilalaman ng kanyang puso.
Mensahe ni Paolo kay LJ, "I know nobody is PERFECT... but if there is someone close enough to perfection, that would be YOU.
“You are a very very beautiful person... You are so funny and you make everyone around you happy.
“Your smile and your laugh never fail to bright up someone's day. You are a brilliant actress. You are a great sister. You are great daughter. You are a great partner/best friend!
“And everybody knows that you are the best mother to Aki... and the best Tita to my kids.
“You do all of these things without asking anything in return.
“You are the most unassuming person I know and I am in awe of your kindness.
“These are only a few reasons why I love you and why I'm never going anywhere.
“You have so much love to give and I promise to protect your heart so it will never get hurt ever again.
“Happy Birthday, my Love... I always want to see you happy!”
THEIR LOVE STORY. Nagsimulang magkagustuhan sina Paolo at LJ nang magsama sila sa Kapuso afternoon drama series na Yagit noong 2014.
Noong una ay nagde-deny pa ang dalawa na may relasyon na sila. Pero hindi nagtagal ay inamin na rin nila ang estado ng kanilang relasyon
Noong 2015 ay sa U.S. nag-Pasko si LJ kasama ang kanyang anak kay Paulo Avelino na si Aki.
Sumunod doon si Paolo para magkasama sila ni LJ.
Ayon kay Paolo, walang specific date kung kailan naging sila ni LJ.
Basta nangyari na lang daw na nagkagustuhan sila at lalong tumitibay ang samahan nila.
