Sinagot ni Ruby Rodriguez ang isang basher sa Twitter na tumawag sa kanya ng mga di kanais-nais na salita, kagaya ng "OA" (over-acting), "manggagamit," at "hater ng AlDub Nation."
Nagsimula ito nang tawagin ng netizen, @CandiceYaranon, na “OA” ang Eat Bulaga! host.
Hindi tinukoy ng netizen ang dahilan kung bakit tinawag niyang “OA” si Ruby.
Pero sa kanyang tweets, tila may kinalaman ito sa pag-promote ni Ruby sa That's My Baes, ang all-male group na napapanood regularly sa Eat Bulaga! at mga bida sa GMA daytime teleserye na Trops.
Tinanong ni Ruby ang netizen kung may galit ito sa That's My Baes, na kinabibilangan nina Kenneth Medrano, Kim Last, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, at Jon Timmons.
Sagot ng netizen, may galit siya sa That's My Baes.
Buwelta pa niya niya kay Ruby: "Kagaya kung ano ka kagalit kay Maine [Mendoza].
“Push n’yo pa ang Baes baka sakaling sumikat din anak mo, girl.
“Gamit-gamit lang kay Meng [Maine] pag di kaya.”

Ang tinutukoy ng netizen na "anak" ni Ruby ay si Toni Aquino, na kasama rin sa cast ng Trops.
Hindi na nakapagpigil ang comedienne-TV host at sinagot ang mga akusasyon ng basher.
Sabi ni Ruby, “Talaga lang ha? Ok so confirmed hater ka ng Bulaga.
“Alright everyone is entitled [to her opinion]. Merry Christmas,” ani Ruby.
@CandiceYaranon Talaga lang ha? Ok so Confirmed hater ka ng bulaga. Alright everyone is entitled. Merry christmas
— ruby rodriguez (@rodriguezruby) December 14, 2016
Hindi pa tumigil dito ang basher at inakusahan si Ruby na "hater" diumano ng AlDub Nation at gusto raw nitong perahan ang AlDub.
Ipinaalala pa ng basher kay Ruby ang nangyari dati na nagpaawa umano si Ruby at “kinarma” umano ito.
@rodriguezruby tapos magpaawa ka...gaya ng ginawa mo dati...pero kinarma ka diba?hahahaha
— chakty_canja (@CandiceYaranon) December 14, 2016
@rodriguezruby kagaya niyo hater din kayo ng ADN...blocked pa more sa mga ADN diba?gusto nyu lng ksi perahan ang aldub.bat f gmitin mga baes
— chakty_canja (@CandiceYaranon) December 14, 2016
Nagkaroon ng isyu si Ruby noong nakaraang Mayo nang mag-birthday ang kanyang ina, na humiling na makita nang personal si Alden.
Nakadalo si Alden sa birthday, pero hindi nakapunta si Maine.
Read: Ruby Rodriguez gets bashed by AlDub fans for being 'insensitive'
Pagkalipas ng mahigit dalawang buwan ay pumanaw ang ina ni Ruby.
Read: Ruby Rodriguez still grieving over her mother's death
ALDUB FANS SUPPORT RUBY. Marami namang netizens ang pumanig kay Ruby at pinayuhang i-block ang naturang basher.
Tweet ni Ruby, ayaw sana niyang mang-block dahil nirerespeto nito ang pagkakaroon ng iba't ibang trip.

Sinang-ayunan din ni Ruby ang isang netizen na nagsabing kailangang sagutin minsan ang ilang trolls, lalo na kung wala ito sa lugar.

Sumuporta naman ang ilang AlDub fans kay Ruby.

Bandang huli, nakinig si Ruby sa netizens na nagpaalala sa kanyang huwag na lang pansinin ang basher.
O sige na nga mas alam nyo naman eh. Ok dedma na. Wapekers??????????????
— ruby rodriguez (@rodriguezruby) December 14, 2016
