Isinilang na ng aktres na si Neri Naig ang una nilang anak ng kanyang mister na si Chito Miranda.
Ibinahagi ng Parokya Ni Edgar vocalist ang larawan ng baby boy nila ni Neri sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules ng madaling-araw, November 23.
Maikling caption dito ni Chito: "Wassup world."
Wala nang iba pang detalye na binanggit ang singer.
Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang anak na Alfonso, na isinunod sa tunay na pangalan ni Chito.
Isang araw bago isilang ni Neri ang kanilang anak ni Chito ay binuweltahan niya ang isang basher na tila natatagalan sa panganganak ng Star Circle Quest alumna.
Read: Neri Naig hits back at basher who posted "Buhay pa kaya yan" comment about her baby
