Inalmahan ng ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson Sr. ang diumano’y banta sa buhay ng kanilang pamilya mula sa di pinangalanang bashers.
Base ito sa September 25 Facebook post ng nakatatandang Faulkerson, o mas kilala sa bansag na Daddy Bae.
Nagpahiwatig din si Daddy Bae na ipaparating niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang banta sa buhay na matatanggap ng kanyang pamilya.
Sabi niya: “Bash niyo na ako kakayanin ko pa po yan... wag lang threat sa buhay namin... NBI na po ang bahala diyan.”
Kasabay nito ay bumuhos ang mensahe mula sa fans na kumondena sa diumano’y pananakot ng ibang bashers sa pamilya ni Alden.
Hiling din ng fans na manatiling ligtas ang kanilang idolo at pamilya nito.
