PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez on attacks against Sen. Leila de Lima: "Di puwede ang pusong mamon dito."

Aiko Melendez to Sen. De Lima: Dapat pala nag-artista na lamang kayo, Madam, para ang pag-iiyak mo may saysay, may bayad."
by Arniel C. Serato
Published Sep 23, 2016
Inalmahan ng aktres na si Aiko Melendez ang tila pagpapaawa ni Senator Leila de Lima dahil daw aping-api siya sa hearing ng Kongreso tungkol sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Binatikos ni Aiko Melendez ang tila pagdadrama diumano ni Senator Leila de Lima kaugnay ng alegasyong drug protector diumano siya noong nanunungkulan siya bilang Department of Justice (DOJ) secretary.

Ayon kay Sen. De Lima, naaapi at nababastos siya dahil sa kaliwa’t kanang birada sa kanya.

Sa Facebook post niya kahapon, sinabi ni Aiko na dapat ding isipin ni De Lima ang kanyang mga ginawa noon na paglaban sa illegal activities sa bansa, kung saan maaari ring may nasaktan siya.

Pahayag ng dating konsehal ng Quezon City, “Sa Filipino culture, mataas ang respeto natin po sa mga babae.

“At lalo na kung papasok ka sa mundo ng pulitika, dapat matibay and puso, paninindigan, at higit sa lahat prinsipyo sa buhay...

“Otherwise, makakain ka ng sistema ng pulitika...

“Sa nangyayari kay Sen. De Lima na diumano Drug Protector, ayon sa mga naglalabasang ebidensya laban sa kanya, dapat maging matibay din ang loob niya sa pagharap at pagpapatunay niya ng kanyang side kung siya ay inosente...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di pwede ang pusong mamon dito.

“Nung panahon na binabatikos niya kaliwat kanan ang mga taong sangkot sa mga illegal na activities sa ating lipunan, di naman niya din naisip na maaring ang mga taong sangkot ay me anak na babae or nanay.

“Kaya sa paglilitis ngayon sa Drug protector issue, dapat harapin nya ito bilang isang lider na di nya kinakailangan igiit na sya ay babaeng binabastos at pinagtutulungan...

"After all, ang mga Pilipino ay matatalino at mapagpatawad.

“Pero sa puntong ito, sana maisip dn ni Sen De Lima ang mga babaeng nalulong sa droga at kaayusan ng pamilya ng dahil sa lumalaganap na droga...

“Di ito usapin ng Gender... usapin ito ng lumalalang problema ng ating bayan at yan ang Droga...”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DRUGS, NOT POLITICS. Sa comments section, sinabi ni Aiko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay naidadaan sa pag-iyak at paghingi ng simpatiya ang kalutasan ng tunay na issue.

Huwag daw ilihis ang usapan dahil hindi ito political persecution.



CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BUKSAN ANG ISIPAN. Nanawagan din si Aiko sa mga kasamahan sa showbiz at sa kapwa Pilipino na buksan ang isipan sa laban ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inalmahan ng aktres na si Aiko Melendez ang tila pagpapaawa ni Senator Leila de Lima dahil daw aping-api siya sa hearing ng Kongreso tungkol sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results