PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla to celebrity drug pushers: "Tigilan mo na 'yan, sumurender ka sa pulis."

Robin Padilla: Kung pusher kang artista, sumurender ka sa pulis.
by Bernie V. Franco
Published Sep 21, 2016
Robin Padilla: "Siguro kung user ka, matutulungan kita sa rehabilitation, kasi kailangan ‘yan. May rehabilitation. Pero pusher, sorry, wala akong lugar para sa inyo. Problema kayo. Talagang nagdudusa ang bayan dahil sa inyo."

Hindi nagbabago ang opinyon ni Robin Padilla na hindi dapat pangalanan ang mga artistang mapatutunayang gumagamit ng ilegal na droga.

Paliwanag ng action star, biktima ang mga illegal drug user.

WATCH: Robin Padilla on drug addicts: 'Kung ikaw naman ay user, biktima ka. Ikaw ay biktima.'

Pahayag ni Robin, “Hindi ako nagbabago-bago ng opinyon.

“Katulad ng sinabi ko po ngayon lang, karapatan ‘yan ng private citizen na proteksyunan ang sarili mo.

“Pero kung ayaw mo nga ng trouble, e, di magpa-drug test ka.”

Patuloy niya, “Ngayon naman, hindi na isyu ang drug test, ang dali lang niyan.

“Kailangan mo ‘yan pag kukuha ka ng lisensiya sa pagda-drive.

“Kukuha ka ng lisensya mo sa baril, automatic ang drug testing.

“Kaya imposibleng ang mga artista, wala silang drug test. Pa’no nagda-drive ‘yan?”

Inusisa rin si Robin kung mayroon bang mga artistang lumapit sa kanya at humingi ng tulong para sa rehabilitation.

Tugon niya, “Siguro hindi ako ang tamang tao diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ako, ang una kong sasabihin diyan, kung pusher ka, e, paumanhin, pero di kita matutulungan.

“Siguro kung user ka, matutulungan kita sa rehabilitation, kasi kailangan ‘yan. May rehabilitation.

“Pero pusher, sorry, wala akong lugar para sa inyo. Problema kayo.

“Talagang nagdudusa ang bayan dahil sa inyo.

“Kung pusher kang artista, tigilan mo na ‘yan, sumurender ka sa pulis.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Robin sa School-in-a-Box Program launch ng MoneyGram Foundation at Black Pencil Project, na ginanap sa The Peninsula Manila, Makati City, ngayong Miyerkules, September 21.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng school supplies ang may 2,500 indigenous children.

EDUCATION ON RANDOM DRUG TESTING. Nagbigay rin ng pahayag si Robin tungkol sa usaping pagkakaroon ng random drug testing sa bansa, kaugnay ng kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ipinag-utos na ni President Duterte ang mandatory drug-testing sa kapulisan at maging sa government officials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iminumungkahi rin ang pagkakaroon ng drug testing sa mga estudyante upang supilin ang paggamit ng droga sa mga paaralan.

Ani Robin, bagamat sang-ayon siya sa pagkakaroon ng random drug-testing, mahalaga ang pagbibigay ng tamang edukasyon para sa pagpapatupad nito.

“Ako kasi, dapat huwag din tayong mawala dun sa, number one, kailangan nating malaman na serious ang gobyernong ito sa anti-drug [campaign]. Talagang war ito, e.

“'Yan ang kailangan nating itanim sa ‘ting mga utak.

“Pero ang gobyernong ito, nirererespeto ang ating karapatan.

“Hindi nito sinasagasaan ang ating karapatan.”

Patuloy niya, “'Yang drug testing na ‘yan, sa gobyerno, hindi sila puwedeng umangal.

“Sa mga pulis sa local government, mga senador, sa Congress, hindi sila puwedeng umangal dahil mandated sila.

“Pero mag-educate tayo ng ating mga kababayan.

“Pag ikaw ay private citizen, hindi ka puwedeng pilitin. Kailangan voluntary ‘yan.

“Kung gusto mo magpa-drug test ka, katulad kami nag-apply kami ng baril, automatic yun, ida-drug test ka.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero hindi ka dapat pilitin. Kung ayaw mo, walang makakapilit sa ‘yo, lalo kung wala silang ebidensiya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla: "Siguro kung user ka, matutulungan kita sa rehabilitation, kasi kailangan ‘yan. May rehabilitation. Pero pusher, sorry, wala akong lugar para sa inyo. Problema kayo. Talagang nagdudusa ang bayan dahil sa inyo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results