PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Winwyn Marquez compliments Maine Mendoza's projection and charm

Maine Mendoza, Wiwyn Marquez exchange compliments on Instagram.
by Bernie V. Franco
Published Sep 19, 2016
Winwyn Marquez to Maine Mendoza: "Pahingi po ako ng talent sa pag project, ang galing eh. Pati charm na din po hehe."

Ikinatuwa ni Winwyn Marquez ang pagkakataong nakasama niya si Maine Mendoza sa “Challenge Accepted” segment ng Eat Bulaga! nitong Sabado, September 17.

Si Winwyn ay isa sa finalist sa "Tangong Grasa" kung saan magsasayaw sila ng tango na naka-taong grasa costume.

Si Maine naman ay nagkaroon ng special performance, kasama ang ka-love team na si Alden Richards, na naka-taong grasa rin habang nagsasayaw ng tango.

Puring-puri ni Winwyn ang Kalyeserye star sa husay nito sa pagpu-poject at sa karisma nito.

Pinasalamatan din ng dancer-actress si Maine sa pagiging mabait nito sa kanyang Instagram account noong Sabado.

Samantala, sumagot naman si Maine sa comments section ng Instagram post ni Winwyn.

Pinasalamatan din nito si Winwyn sa pagiging mabait.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubus-lubos naman ang pasasalamat ni Winwyn dahil sa umapaw sa suporta sa kanya ng mga tagahanga nina Maine at Alden o ang AlDub.

Bago ang performance ni Maine noong Sabado ay nagsagawa siya ng social experiment, kung saan gumala siya sa may Baclaran, CCP (Cultural Center of the Philippines), at Harbour Square bilang isang taong grasa.

Isinagawa nila ito upang malaman kung may mag-aabot ng tulong sa kanya kahit na ganun ang hitsura niya.

Read: Maine Mendoza transforms into taong grasa; Eat Bulaga looking for Good Samaritans

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez to Maine Mendoza: "Pahingi po ako ng talent sa pag project, ang galing eh. Pati charm na din po hehe."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results