PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres sees no conflict with Megan Young: "May intriga ba?"

Andrea Torres feels more at ease with daring scenes now.
by Rommel R. Llanes
Published Sep 17, 2016
Andrea Torres on her Alyas Robin Hood co-star Megan Young: "Nakakatuwa si Megan, parang matagal na kaming magkakilala, parang matagal na kaming friends. Siguro kasi nakakahalubilo ko rin naman siya. Nakasama ko rin naman siya. Nakaka-bonding ko na siya kahit yung mga saglit-saglit lang."

Wala raw anumang conflict sa pagitan nina Andrea Torres at Megan Young.

Matagal na panahon kasing naging ka-love team ni Andrea ang kasintahan ni Megan na si Mikael Daez.

Ngayon ay sina Andrea at Megan ang leading ladies ni Dingdong Dantes sa bagong primetime series ng GMA Network na Alyas Robin Hood.

Natatawang tanong ni Andrea, “May intriga ba?

“Nakakatuwa si Megan, parang matagal na kaming magkakilala, parang matagal na kaming friends.

“Siguro kasi nakakahalubilo ko rin naman siya.

“Nakasama ko rin naman siya.

“Nakaka-bonding ko na siya kahit yung mga saglit-saglit lang.

“So ito [Alyas Robin Hood], hindi kami nahirapan.”

Never daw nailang si Andrea kay Megan.

“Ay hindi, hindi naman ako nailang kay Megan.

“Never naman akong nakarinig na parang na-off si Megan sa akin or something, wala naman.”

Patuloy pa ni Andrea, “Na-excite ako kasi ang ganda kasi ng story, tapos nalaman ko kung anong role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun pa lang, nung sinabi sa akin kung anong role ko, sabi ko, ‘Ay, gusto kong gawin!'

“Kasi iba, e. Mahilig akong manggulat, di ba?

“Gusto ko yung mga fans ko laging, ‘Ha?! Ginawa niya yun?!’ Yung ganun.

“Tulad ng mga ginagawa ko pag meron akong pictorial, yun din siyempre ang ine-aim ko pag may show para naman laging interesting, may flavor.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea noong Lunes, September 12, sa Le Reve Events Place sa Sgt. Esguerra St. sa Quezon City.

MORE DARING. Nae-enjoy ni Andrea ang pagiging daring niya ngayon.

Sabi niya, “Parang nae-embrace ko siya more.

“Siguro sa dami na rin ng nagawa kong pictorial.

“Tsaka ano ba? Wala, siguro tumatanda na rin kasi!

“Mas comfortable ako ngayon.”

Sexy na mag-aaksyon si Andrea sa Alyas Robin Hood.

“Ito yung first time na pumayag akong mag-two piece sa soap,” rebelasyon pa ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi akong cut-out na one piece.

“So ito, ni-request nila na two-piece. Sabi ko, ‘Okay!’

“And not just one but two scenes!”

May mga disguises din siyang gagawin bilang si Venus sa naturang action serye.

Aniya, “Kaya fun siya.

“Kaya pag nanonood tayo ng foreign movies na yung girl parang astig na marunong sa mga baril, marunong sa mga ano, may pagka-action star.”

Sa set daw mismo nag-train si Andrea sa action scenes at paghawak ng baril.

“As in, expert talaga yung mga nagte-train na dinadala nila sa set,” pahabol pa niya.

Read Next
Read More Stories About
Andrea Torres Alyas Robin Hood
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on her Alyas Robin Hood co-star Megan Young: "Nakakatuwa si Megan, parang matagal na kaming magkakilala, parang matagal na kaming friends. Siguro kasi nakakahalubilo ko rin naman siya. Nakasama ko rin naman siya. Nakaka-bonding ko na siya kahit yung mga saglit-saglit lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results