PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi confident about relationship with husband Rey Soldevilla Jr.

Yasmien Kurdi reveals who gets more jealous between her and husband Rey Soldevilla Jr.
by Rommel R. Llanes
Published Sep 15, 2016
Yasmien Kurdi proud of her handsome husband: "Natatawa nga ako, meron silang parang memes. May fan na may ginawa siya, sabi, ‘Iniwan ka na ba sa ere? Hayaan mo, susunduin ka niya.’ O kaya, ‘Hindi lahat ng guwapo artista, ang iba ay piloto!’ Nakakatuwa at nakaka-proud."

“Respect, trust, at loyalty.”

Ito ang sagot ni Yasmien Kurdi sa tanong kung ano ang sikreto sa sampung taong pagsasama nila ng mister niyang piloto na si Rey Soldevilla Jr.

Ninenerbiyos o kinakabahan ba si Yasmien kapag nakakabalita siya ng showbiz couples na naghihiwalay?

O lalo silang nag-e-effort ni Rey na alagaan ang relasyon nila?

Pahayag ng StarStruck alumna, “Ako po, nasa-sad ako kasi nasasayangan ako.

“Siyempre sa relationship and for the kids talaga.

“Malaking effect yun for the kids kasi sana… sana, like hindi naman ibig sabihin family rin naman kasi, ibig sabihin may nanay, tatay ganyan, hindi naman ibig sabihin ganun.

“Family can be kahit saan basta you feel at home, it means family, di ba, parang ganun.

“Pero yung mga ganun, nalulungkot lang ako na sana... sana naging okay.”

Confident ba si Yasmien na hindi mangyayari ang ganun sa kanila ni Rey, na hindi sila magkakahiwalay?

“Yes, yes, I’m confident,” mabilis niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As long as na si God ang center ng relationship, and takot kami sa sin and natatakot kaming magkasala, and yung anak namin love namin and all.”

Hindi rin daw kinakabahan si Yasmien sa safety ng asawa niya habang nagpapalipad ng eroplano.

“Hindi na po, hindi na po. Sanay na rin po yung feeling.

“I mean, mas… safest transport nga yung air kesa land, e.

“Nasa statistics, safest means to travel by air kesa sa land.”

LOYALTY ISSUE. Ayon pa sa Sa Piling Ni Nanay actress, hindi sila nagkaroon ng loyalty issue ni Rey kahit minsan sa loob ng sampung taon.

“Imagine, long-distance relationship kami five years, pero never kaming nagkaroon ng ganung isyu.”

Hindi ba seloso si Rey?

“Hindi po. Pero ako selosa!” at tumawa ang Kapuso actress.

“Kasi before, like nung nasa Emirates pa siya before, siyempre marami talagang magagandang girls dun.”

Pero wala naman daw nagpa-cute kay Rey noong mga panahong nakadestino sa ibang lugar ang mister ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pag may nalalaman na ako, lumilipad na ako papunta dun.

“Sunod na araw, nandun na ako sa pintuan, ‘Hi, I’m here!’” natatawang biro ni Yasmien sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Rey ba ay may pinagselosan na kay Yasmien?

“Wala naman, wala naman.

“Pero pag nagseselos siya, yung parang walang kuwenta, yung parang ano...

“Parang nagseselos siya sa… pangit. Charot!

“Hindi, parang… sorry ha, I’m sorry, I’m sorry po… ang bibig ko!

“Sorry po, magkakasala ako.

“Hindi, I mean, sinasabi ko na, ‘Pangga, ang layo ng guwapo mo diyan! Hindi puwedeng ganyan.’

“Like, ‘Kailangan pag magseselos ka yung… bigyan mo naman ako ng konting taste.’

“Mahilig kasi ako sa guwapo.

“Ako talaga, like, mahilig talaga ako sa guwapo, na guwapong Pinoy, ha?

“Kaya sabi ko, ‘Pero sana bigyan mo naman ng konting taste pag magseselos ka, yung tipong malapit-lapit sa iyo. Huwag yung malayo kasi nakakainsulto.’”

Ano ang isinasagot sa kanya ni Rey?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala, natatawa!”

Kahit sa social media ay marami ang pumupuri sa kaguwapuhan ng mister ni Yasmien.

“Proud po ako!” bulalas niya.

“Natatawa nga ako, meron silang parang memes.

“May fan na may ginawa siya, sabi, ‘Iniwan ka na ba sa ere? Hayaan mo, susunduin ka niya.’

“O kaya, ‘Hindi lahat ng guwapo artista, ang iba ay piloto!’

“Nakakatuwa at nakaka-proud.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi proud of her handsome husband: "Natatawa nga ako, meron silang parang memes. May fan na may ginawa siya, sabi, ‘Iniwan ka na ba sa ere? Hayaan mo, susunduin ka niya.’ O kaya, ‘Hindi lahat ng guwapo artista, ang iba ay piloto!’ Nakakatuwa at nakaka-proud."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results