Ngayong huling linggo na ng Kapamilya primetime series na Born For You, marami ang nagtatanong kung ano na ang magiging kapalaran ng ElNella loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
Lalo na ngayong nagsisimula na ring mag-shoot si Janella para sa pelikulang Mano Po 7, kung saan ang kasama niya ang dating ka-love team na si Marlo Mortel, nadagdagan pa ang pangamba ng ElNella supporters.
Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa taping ng Born For You last week ay inalam namin ang saloobin niya sa usaping ito.
Pahayag ng Kapamilya actor, “We really can't say, kasi nga Janella has also established a love team with Marlo bago pa nagkaroon ng ElNella, e.
“So, meron din siyang… kumbaga, meron din silang mati-treat sa movie na ito, e.
“Yun, mas okey yun kay Janella, kasi ang dami talagang nagmamahal sa kanya, ang dami niyang supporters.
“So, kahit saan siya magpunta, mamahalin siya ng tao.
“It may affect the ElNella fans, pero nauna talaga ang MarNella [Marlo-Janella loveteam].”
Sa parte naman ni Elmo, masaya raw siyang nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho si Janella.
“It was a rare opportunity na makatrabaho si Janella.
“I can't blame others kung gusto nilang makatrabaho si Janella.
“Yun, I just hope we can get to work again in the future.”

IS THIS THE END? Paano kung mabuwag ang ElNella, ano ang magiging reaksiyon niya rito?
Sabi ng 22-year-old actor, “If that happens, things happen for a reason.
“Kung ganun talaga ang mangyayari, I do not hold anything against anyone.
“So, I just have to look forward for a better future.”
Pero handa na ba siyang mag-solo? Sa tingin ba niya, kaya na niya?
Medyo nag-aalangang sagot ni Elmo, “I do think so.
“Not because of my name, but because I believe in myself.
“I believe na I'm one of the most hardworking people right now.
“So, I think, kung itutuluy-tuloy ko ito, makakapag-ano pa ako, 'cause I really love this.
“This is like my baby, so parang talagang gusto kong magtagal dito [showbiz].
“So, I'm doing everything para magtagal pa ako dito.”
Kung siya ang papiliin, mas gusto na ba niyang magsolo o gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang ElNella?
Sagot ni Elmo, “Magkaiba siya, e.
“If you go solo, talagang mabigat siya. Let's be honest, mabigat siya.
“Like kunyari, if you have a project, talagang nakatutok sa iyo ang kuwento, yung ganyan, so marami talaga.
“I don't think kaya ko ngayong magsolo. Magpapakatotoo ako, hindi ko pa kayang magsolo.
“Ang gusto ko sa love team, masaya, e.
“Like, katulad namin ni Janella, kapag nagkakasundo kayo, masaya talaga at okey siyang ka-partner.”
Patuloy niya, “Sa love team naman, that's how you get launched naman kapag nagsimula ka sa love team.
“Talagang makikita how you connect with people, yung chemistry mo with other people.
“Yeah, I'm saying na hindi maganda na magsimula sa love team, mabuti siya dahil nakakatulong talaga siya.”
