Inamin ni Jasmine Curtis-Smith na may punto sa kanyang buhay na dumanas siya ng depression.
Pahayag niya, “I’ve never said it anywhere but I have gone through anxiety and depression. And it’s hard.”
Ito raw ang dahilan kaya sinuportahan niya ang pagsulong ng Philippine Psychiatric Association sa Mental Health Act sa Kongreso.
Paliwanag ni Jasmine sa PEPtalk episode na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Setyembre, “It’s more of raising awareness and removing yung stigma [sa mental health patients].
“Kasi kapag sinabi na meron kang mental health problem, ang iisipin ng tao, ‘Ay, luka-luka ka. Baliw ka.’
“Yun na yung stigma — which is not fair to people suffering mental illnesses.”
Hindi tuwirang binanggit ni Jasmine kung ano dahilan ng kanyang depression noon.
Noong panahong yun, aminado siyang hindi madaling ipaliwanag sa ibang tao kung ano ang pinagdadaanan niya.
Balik-tanaw ng 22-year-old actress, “So, you bottle everything up. Hindi mo ma-explain sa tao yung nararamdaman mo.
“Pero sa kanila iba yung register — na nakikipag-away ka, na hindi ka nakikipag-usap, dinededma mo, na suplada ka na, et cetera.
“Kahit people you love and know, they think ganun.
“Pero they don’t know that you are already suffering depression or whatever other health mental illnesses.”
Kuwento ni Jasmine, malaking bagay na malapit siya sa kanyang ina na si Carmen Curtis-Smith, na nakabase sa Australia.
Ang ina raw ang naging sandalan ng dalaga noong panahong depressed siya.
“There's nothing better than giving yourself time.
“Kapag kausap ko si Mama, kahit wala akong sinasabi, hang out lang kami.”
Hindi raw naging sagabal ang long distance sa pagitan ni Jasmine at ng kanyang ina na naninirahan sa Australia.
“Naka-Skype kami, siya nanonood ng TV, ako rin may ginagawang iba. Pero it’s like we're together.
“Siya talaga yung takbuhan ko.”
