“We are just taking a break.”
Ito ang diretsong sagot ni Shahin Alimirzapour, ang Persian businessman boyfriend ng aktres na si Aiko Melendez, tungkol sa napapabalitang hiwalayan nilang dalawa.
Ilang araw na ang nakararaan nang mag-post si Aiko sa kanyang Instagram ng larawan kasama ang isang kaibigan, kung saan mayroon itong hashtag na #singlesnightOUT.
Dahil dito, ilang followers ng aktres ang nagtanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Shahin.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko tungkol dito kagabi, September 12, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot.
Nitong madaling-araw ng Martes, September 13, nakapalitan naman ng mensahe ng PEP si Shahin sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.
Dito ay kinumpirma niyang ‘naka-break’ sila ni Aiko sa kanilang relasyon.
Ayon pa kay Shahin, “Yes, I know. We are just taking a break, nothing serious.
“I just want her to have time 'coz I guess it's good for both of us now. We love each other.”
Hindi naman daw ito cool-off pero may mga kailangan lang silang ayusin sa kani-kanilang mga buhay.
Saad ng negosyante, “Cool off? No it’s not.
“We both have to fix some stuff on her side and on my side, too.
“We are texting each other.”
Ano ba ang kailangan nilang ayusin?
Ayon kay Shahin, “On my side is just my business that I’m going to open in the Philippines and I have to be more focus, and also she wants to be more focus on her career.
“That’s why, for now, we are taking a break for a while to improve more.”
Matatandaang nitong April 19, 2016 ay eksklusibong inamin ni Aiko sa PEP na boyfriend na niya ang Persian businessman, na kasama niya noon sa bakasyon sa Davao.
Read: PEP EXCLUSIVE. Aiko Melendez confirms relationship with Persian businessman
