Nagpasalamat ang ABS-CBN kay Kris Aquino sa maraming taon nitong pagiging bahagi ng Kapamilya network at pagbibigay-saya sa mga manonood.
Ito ang nilalaman ng maiksing official statement na inilabas ng ABS-CBN ngayong Lunes, September 12, kaugnay ng announcement ni Kris na lilisanin na niya kanyang naging hgome network sa loob ng 22 taon.
"We thank Kris for the many years that she has been a Kapamilya bringing joy, hope, and inspiration to our viewers worldwide. She will always be a Kapamilya and we wish her well in her new journey," pahayag mula kay ABS-CBN Corporate Communications head Kane Errol Choa na lumabas sa ABS-CBN News Online.
Inanunsiyo ni Kris ang pamamaalam niya sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Instagram post nitong Linggo ng gabi, September 11.
Hindi tinukoy ni Kris kung anong istasyon siya lilipat, subalit sinabi niyang magiging bahagi na siya ng APT Entertainment, ang production house na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera at producer ng Eat Bulaga at Sunday PinaSaya sa GMA Network.
Read: Kris Aquino bids goodbye to ABS-CBN, joins APT Entertainment
