Kahapon, Setyembre 10, ay tuluyan nang naging Mrs. Semblat ang Kapamilya aktres na si Isabelle Daza matapos siyang magpakasal sa longtime French boyfriend niyang si Adrien Semblat sa San Francesco church, Tuscany, Italy.
READ:Isabelle Daza marries French businessman Adrien Semblat in Tuscany, Italy
Marami mang malalapit na kaibigan ng newlyweds ang nakasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib, ilan pa rin sa malalapit na kaibigan ni Belle sa industriya ang hindi nakalipad patungo sa kanyang wedding destination, kaya't nagparating na lamang ang mga ito ng kanilang pagbati sa social media.
Isa na rito si Carla Humphries na hindi pinalagpas ang pagkakataong bumati kay Adrien at Belle.
Sa kanyang Instagram account, inalala ng aktres kung paano siya inutusan ni Belle na makipaghiwalay sa dati niyang nobyo para lamang pareho silang maging single noong mga panahong iyon.
Nagpasalamat naman si Carla kay Adrien sa pag-interrogate nito sa mga lalaking idine-date nito, gaya ng karaniwang ginagawa ng mga "protective kuyas" sa kanilang nakababatang kapatid na babae.
READ: Carla Humphries misses #BelleAdrien2016 wedding in Italy
Maliban kay Carla, naghatid din ng pagbati si Iza Calzado.
Aniya, 'So sad not to have witnessed this in person but extremely happy for these two,@isabelledaza and @adriensemblat, as they start their road to building a family."
Nagkasama ang dalawa sa pelikulang Somebody to Love na pinagbidahan nina Matteo Guidicelli, Jason Abalos, at Carla Abellana.
Nagparating din si Rhian Ramos ng kanyang mensahe sa bagong kasal.
Saad ni Rhian sa kanyang Instagram post, "It sucks that i couldnt have seen it. The day that marks a new life for you, and i don't doubt, a new you."
Dagdag pa nito, "I don't usually call these showbiz peeps "friends" ..but youre hella real and hella honest and i like that about you."
"There are things about you that i know wont change, but today, i know a few things will, but only for the better"
Ilan sa pinagsamahang programa nina Belle at Rhian bilang co-hosts ay ang Kapuso shows na Party Pilipinas at Manny Many Money.
Di naman nagpahuli si Pauleen Luna na dating co-host ni Belle sa Eat Bulaga!
Ani Pauleen, "Sorry we couldn't make it but you know you have always been in my prayers! Be blessed even more and continue to be a blessing to many other people. I love you, always! ?? CONGRATULATIONS MRS. SEMBLAT!"
Happy naman si Dra. Vicki Belo na isa na naman sa kanyang mga alaga ang ikinasal.
Tinawag niya si Belle na Belo Bride, gaya na lamang ng kapwa 'It Girls' niyang sina Georgina Wilson at Solenn Heusaff.
Sa kanyang post, di naiwasang magtanong ng cosmetic surgeon kung siya ba ay dapat ding magpakasal.
Kasalukuyan pa ring nasa Tuscany, Italy ang mga pamilya at kaibigan ng bagong kasal upang makisaya sa 'Hangover Brunch' nina Adrien at Belle.
Hiniling ng mga ito na magsuot ang lahat ng kanilang 'Sunday best' at 'two-piece swimsuits.'
ALSO READ: IN PHOTOS: Celebs spotted at Isabelle Daza and Adrien Semblat wedding