PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former That's Entertainment member Romano Vasquez proud of kicking drug habit

Romano Vasquez willing to serve as inspirational speaker to reformed drug addicts
by Glen Sibonga
Published Sep 5, 2016
Former '90s actor Romano Vasquez doesn't mind being tagged as a former drug addict: "Ang maganda doon ang tawag sa akin ay DA—dating addict. Dati na, di ba? Ang masama ay kung addict pa rin hanggang ngayon, di ba? Ako po ay nagpalalim, nagpalawak lamang sa buhay, para maging inspirasyon sa mga taong lulong pa rin sa droga."

Sinusuportahan ng ‘90s singer-actor at dating That’s Entertainment mainstay na si Romano Vasquez ang isinasagawang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Alam kasi niya ang masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot dahil dati siyang nalulong dito noon.

Pahayag niya, “I came to a point na para akong taong grasa, walang-wala ako, as in tinanggal lahat sa akin.

“Di ba, nalulong ako sa drugs? Hindi ko idine-deny iyon.

“Nabarkada ako sa mga pusher, sa mga addict. Lahat ng naipundar ko naubos.

“So, dumating ako sa punto na hindi puwedeng ganito ako na walang-wala, kaya bumalik ako sa tatay ko.

“Sabi nga, wala kang ibang babalikan kundi pamilya.”

Pabor ba siya sa paglabas ng listahan diumano ng mga celebrity na involved sa paggamit ng droga?

Ayon kay Romano, “Parang teka muna, huwag naman yata.

“Mayroon namang tinatawag na second chance.

“Puwede namang ipatawag na muna para kausapin yung mga tao na iyan bago ilabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pag inilabas na natin iyon at yung tao na iyon ay mayroong pangarap sa buhay, pati pamilya niya ay madadamay.

“Kung ako si Presidente Rodrigo Duterte, iisipin ko rin yung mga pamilyang maaapektuhan na maaaring magutom.

“Ginagawa niya ang pag-aartista hindi lang para sa sarili niya kundi pati sa pamilya niya. Kaya kausapin at ipa-rehab na lang.”

Willing din daw siyang magsilbing inspirational speaker kung iimbitahan siya para magsalita sa harap ng mga taong sumasailalim sa rehab.

Handa raw siyang ibahagi ang kanyang mga pinagdaanan upang kumbinsihin ang mga taong ito na iwasan na ang droga at magbagong-buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romano sa launching ng kanyang bagong five-track album na may titulong Chicken Adobo, na ginanap noong September 1, sa Off The Grill restobar sa Timog Avenue, Quezon City.

SHOWBIZ COMEBACK. Ngayon nga ay nagbabalik sa showbiz si Romano matapos ang ilang taon na pagkawala sa industriya at pagdaan sa matinding pagsubok sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinisimulan niya ito sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang album, na produced ng Productions56 Incorporated, na pinamumunuan ng kanyang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes, at released naman ng Bellhaus Entertainment.

Umaasa si Romano na mabibigyan ng second chance sa showbiz matapos niyang malugmok sa ilegal na droga noon.

Paano niya naisipang bumalik sa showbiz lalo na sa pagkanta?

Saad niya, “I felt like I never left. It was in my blood already.

“It just so happened na I have to detour for a while to stabilize my life.

“Kasi you know naman in showbiz, when it rains it pours.

“I don’t want to end up like anybody na nagkapangalan sa showbiz tapos ended up na parang walang-wala.

“So, kinakailangan you know how and where to put the money.

“So, I became an entrepreneur with JC Premiere Business International.

“I’m also a trainor and speaker of the said company. Marami nga ang nagsasabi sa akin na, ‘Romano, nakakatuwa ka. Taong grasa ka dati, ngayon ang sasakyan mo Ford Mustang Muscle Sports Car.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Isa lang po sa mga sasakyan ko iyan dahil sa JC Premiere.

“Noong okay na ako, doon ko naisip na bumalik sa pagkanta and soon sa paggawa ng teleserye at pelikula.

“Naghihintay lang po ako ng tamang proyekto.”

Ngayong nagpo-promote siya ng kanyang album, hindi ba siya mao-offend sa magiging komento ng mga tao na dati siyang addict?

“Ang maganda doon ang tawag sa akin ay DA—dating addict.

“Dati na, di ba? Ang masama ay kung addict pa rin hanggang ngayon, di ba?

“Ako po ay nagpalalim, nagpalawak lamang sa buhay, para maging inspirasyon sa mga taong lulong pa rin sa droga.

“So, kung hindi ko po pinagdaanan yung mga bagay na yun, siguro po hindi niyo makakausap yung matinong tao ngayon para maging inspirasyon,” pagmamalaki niya.

GRATEFUL TO DIREK MARYO. Nagpapasalamat din siya sa kanyang manager sa pagbibigay ng second chance sa kanya sa pamamagitan ng pag-produce ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapasalamat ni Romano, “Pinaniwalaan ako ng multi-awarded director na si Direk Maryo J. delos Reyes.

“Malaki ang na-invest niya rito sa album na ito.

“Tapos, I let him met one of my best friends, si Mandy Ferrer.

“Siya rin yung composer ng kantang pinasikat ng grupo ko dati na Quamo, yung 'Sumpa Ko,' na Tagalog version ng 'I Swear.'

“So, with Direk Maryo and Mandy, we thought of coming up with an album. So, nabuo itong Chicken Adobo.”

Bukod sa carrier single na “Chicken Adobo,” kabilang din sa album ni Romano ang “Hindi Na Mawawalay,” “Paano Ko Kayo Mapapaligayang Lahat?” “Muli at Muli,” at “Ito Ang Nararamdaman Ko.”

Mada-download din ang mga kanta sa Spotify, Amazon.com, at iTunes.

Read Next
Read More Stories About
romano vasquez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former '90s actor Romano Vasquez doesn't mind being tagged as a former drug addict: "Ang maganda doon ang tawag sa akin ay DA—dating addict. Dati na, di ba? Ang masama ay kung addict pa rin hanggang ngayon, di ba? Ako po ay nagpalalim, nagpalawak lamang sa buhay, para maging inspirasyon sa mga taong lulong pa rin sa droga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results