Lumisan na sa kanyang tahanan sa Quezon City si Kris Aquino matapos ang halos tatlong taong pamamalagi roon.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Queen of All Media na kagabi, August 31, ang huling gabi nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby sa kanilang bahay sa Greenmeadows, Quezon City.
“Goodbye 111 Greenmeadows Avenue. We spent our 1st night here November 30, 2013. And tonight, August 31, 2016, we're spending our last night,” sabi ni Kris sa caption ng kanyang IG post.
Ayon pa kay Kris, marami siyang di malilimutang alaala sa naturang bahay, kung saan ginawa ang ilang episodes ng kanyang dating morning talk show sa ABS-CBN, ang Kris TV.
“This home brought us many blessings & many happy memories, including forever etched in my heart unforgettable #KrisTvepisodes...
“Goodbye to QC for now, we'll be back once our new home is done.”
Nag-status din ang TV host-actress noong nakaraang buwan tungkol sa ipinapagawang bahay sa Quezon City.
Samantala, matunog ngayon ang usap-usapan sa showbiz na lilipat na sa GMA-7 si Kris, pero wala pang kumpirmasyon mula sa kanyang kampo o mula sa Kapuso Network.
