Nagmistulang family gathering ang sabay-sabay na panunumpa ng mga miyembro ng pamilya Sotto para sa kani-kanilang tungkulin sa gobyerno, sa Commission on Elections, noong Miyerkules, June 29.
Pinangunahan ito ni re-elected senator Tito Sotto.
Kasabay niyang nanumpa ang mga anak na sina Lala Sotto-Antonio at Gian Sotto, bilang konsehal ng 6th District at 3rd District ng Quezon City, respectively.
Samantala, dinaluhan naman nina Vic Sotto at Coney Reyes ang panunumpa ng kanilang anak na si Vico Sotto, na nanalong konsehal sa 1st District ng Pasig City.
Kasama rin sa naturang okasyon ang bunsong anak ni Sen. Tito na si Ciara Sotto, ang mga asawa at mga anak nina Lala at Gian, ang misis ni Vic na si Pauleen Luna, at ang president at CEO ng TAPE Ibc. na si Mr. Antonio Tuviera.