Simula nang lumabas sa publiko ang binatang anak ni Senator Bongbong Marcos na si Sandro Marcos, maraming netizens ang nakapansin ng malaking pagkakahawig nito sa singer na si Charice Pempengco.
Sa katunayan, ilang Internet memes na rin ang lumabas kung saan pinagtatabi ang mga larawan nina Charice at Sandro.

Sa unang pagkakataon, nag-react si Sandro sa obserbasyong ito nang makita niya ang pinakabagong magazine cover ni Charice.
Tila pabor naman siya sa sinasabi ng netizens, base sa kanyang Twitter account noong Biyernes, June 3:
@OfficialCharice So apparently we look alike!! Haha respect and more success to you ?????
— Sandro Marcos (@sandromarcos7) June 3, 2016
Wala rin problema kay Charice kung sa tingin ng ilan ay magkahawig sila ng anak ni Bongbong.
Sa panayam ng GMA News, sinabi ng singer, “I don't mind. Some think I do look like them. It's fine.”