Naging usap-usapan sa social media ang diumano'y relasyon ng kilalang radio show hosts na sina Sam YG at Joyce Pring.
Ito ay matapos silang i-congratulate ng kapwa nila radio host na si DJ Tony Toni sa Instagram kahapon, May 29.
Sabi ni DJ Tony Toni sa kanyang caption sa larawan nina Sam YG at Joyce: “I'd like to congratulate@_samyg and @joycepring for finally making their relationship official on Facebook!! It ain't official till you announce it on FB!! You both deserve each other. Don't forget to put [ring] on the left hand !!!”
Hirit pa niya, “Never would I have dreamt that you'd propose this quickly but as they say when you know, you just know!! Yes I will host your wedding !!!”
Mas lalo pang nagtaka ang kanilang followers tungkol sa balita nang mag-post si Sam YG ng larawan nila ni Joyce sa kanyang Instagram account ngayong araw, May 30.
Sabi pa niya, “Balita ko may chismis na kumakalat..Nagwwild na ba kayo? Kami rin nasa wild..literal! Happy Monday guys! Sana mag-guest si @joycepring sa @boysnightout899 tomorrow para masagot ang mga tanong.”
Gayundin si Joyce sa kanyang Twitter account, na may kasamang tila paalala: “Isang magandang umaga sa atin na mga naniniwala sa kahit anong makita sa social media.”
Isang magandang umaga sa atin na mga naniniwala sa kahit anong makita sa social media.????? #halasya #kalmaguys ??? pic.twitter.com/hJIDwVjWMs
— Joyce Pring (@joycepring) May 30, 2016
MIXED REACTIONS. Kaugnay ng posts na ito, may ilang natuwa at may ilan namang pinagdudahan ang post ni DJ Tony Toni tungkol sa diumano'y relasyon nina Sam YG at Joyce.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon sa Twitter:
Kaya pala sobrang sweet nila sa pictures. Omg, Sis bat ngayon ko lang nalaman? ??? @joycepring
— A v a (@ravamendoza_) May 30, 2016
Si sam yg pala pati si joyce pring? damnn bumbay represent!!!!
— Juls (@Jolyonnn) May 30, 2016
Sam YG and Joyce Pring? Didnt see that coming hahaha
— #GDNANA (@annapatweex) May 30, 2016
I'll wait for further announcements regarding the issue. @joycepring
— Kyler (@RangelKyle) May 30, 2016
Seryoso ba yung joyce pring and sam yg lol niloloko lang ata kami hahaha
— Anastasia ? (@ceejto) May 30, 2016
Really si sam yg and joyce pring na....
— Bryan Pangilinan (@Hatebryan) May 30, 2016
Ano sa tingin ninyo, PEPsters?