Noong Martes, April 12, nag-post ang Because of You star na si Vaness del Moral sa Instagram ng isang news item tungkol sa bagong ordinansa sa Quezon Ciy na bawal na ang pambabastos sa mga babae sa kalye.
Ito ang kauna-unahang ordinansa sa isang lungsod sa Pilipinas na nagbabawal sa pagsipol, pagtawag ng atensiyon sa isang babae na naglalakad sa kalye, at anumang uri ng masasabi nating pambabastos sa kalye at may karampatan na itong kaparusahan.
Pero hindi naman sang-ayon si Vaness na para lang sa mga babae ang naturang ordinansa.
Naglahad siya ng mga kadahilanan kung bakit dapat ay patas dapat sa lahat ang batas—babae o lalaki man, pati na ang mga miyembro ng third sex.
Narito ang paliwanag ni Vaness:
"Here's what I can say about this ordinance.
"1. YES, it is good because SOME men don't know how to respect other women.
"Feeling nila okay lang sa mga babae na nababastos sila at nasisipulan. Feeling nila natutuwa tayo sa mga pa hi miss hi miss nila.
"Eto lang masasabi ko, HINDI KAMI NATUTUWA OR NAAALIW SA MGA GANYAN NIYO.
"2. NO, it is not good because SOME women will abuse this ordinance. Ni hindi ka nga inaano nung lalaki, magsusumbong ka?
"Sasadyaain mo din na sutsutan ka at sabihan ka ng hi miss para makakuha ka ng pera sa mga lalaking wala namang ginagawa ng masama sayo.
"Kawawa ang mga innocent men out there na aabusuhin ng mga ibang babae.
"3. BABAE LANG? Pano yung mga bading/transgender/bakla, na nababastos din? Di ba dapat pati pag binastos sila ng mga lalaki harassment na din yun?
"Asan ang equality? Bakit mga babae lang?
"4. PANO ANG MGA LALAKE? yung mga lalake na binabastos din ng ibang babae at ng ibang mga bading? Di ba dapat nirerespeto din natin ang mga lalake?
"Kawawa naman yung mga mahaharas ng mga babae na mga lalake.
"5. Sa mga babae na kung magsuot ng damit eh akala mo nasa beach sila sa sobrang ikli din ng mga damit nila at kulang sa tela, ayusin niyo din kasi pananamit niyo.
"Kung ayaw niyo mabastos, wag kayo magsusuot ng mga masyadong revealing na damit.
"Magsusuot ka ng short shorts tsaka ng revealing neckline tapos magrereklamo ka na binabastos ka?? Oh come on.
"Magsuot ng damit na sa tingin mo eh hindi ka mababastos dahil tama ang damit mo.
"6. Ang daming loop holes ng ordinance na 'to. Sana lang magawan nila ng paran yung mga taong maaabuso at mangaabuso sa ordinance na ito.#letusallberespinsiblecitizens #kungayawmomabastoswagmagingkabastosbastos #equalityforallgenders"
VANESS CRIES HARRASMENT. Kasunod nito, nag-post si Vaness sa Instagram ng screen shot ng isang text message kung saan niyaya siya ng isang anonymous texter para sa isang one-night stand sa halagang P30,000.
Dahil dito, nagbanta siyang tumigil na ang naturang texter dahil hindi siya mag-aatubiling sampahan ito ng kaso sa korte.
Aniya, “Dahil ito ay naaayun sa una kong post. Ito? Hindi ba ito sexual harrasment? Whoever you are, stop or I will sue you!!! #sexualharrasment #gabrielawomensparty #respect #labananangabuso @gabrielapartylist.”
