Humihiling ng patuloy na pagdarasal para kay Julio Diaz ang kapatid niyang si Ana Marie Regaliza-Datuin.
Sa Facebook account ni Ana, nagbigay siya ng update sa kalagayan ng kanyang kapatid matapos ang isinagawang endovascular treatement kay Julio kahapon, April 10.
Dito ay sinabi niyang mananatili ang kanyang kapatid sa ICU ng St. Luke's Medical Center sa Global City, Taguig, dahil nasa kritikal na kundisyon pa ito matapos ang surgery.
Julio/Marnie, is now in recovery at the ICU of St. Luke's Global City after the doctors performed the endovascular...
Posted by Ana Marie Regaliza-Datuin on Sunday, April 10, 2016
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Ana sa mga nagbigay ng tulong para sa operasyon ni Julio.
Thank you to everyone who is helping out in raising the funds for Marnie Regaliza/A.K.A. Marnie Regaliza. I will be...
Posted by Ana Marie Regaliza-Datuin on Saturday, April 9, 2016
Para sa mga nais pa mabigay ng tulong pinansiyal para sa aktor, i-click lamang ang gofundme link na ito.