Isinugod sa The Medical City hospital nitong Sabado, March 12, ang ABS-CBN TV host na si Luis Manzano.
Sa Instagram, ibinahagi ni Luis ang kanyang litrato suot ang isang patient wristband mula sa ospital.
Hindi naman sinabi ni Luis sa kanyang post kung bakit siya na-ospital, ngunit kalakip ng kanyang IG post ang paglilinaw na hindi allergy ang dahilan nito.
Ang buong caption ni Luis:
"Yun lang...confined...hassle???????????? di ako pwede ma confine, kelangan ng planeta kagwapuhan ko. And it's not because of allergies heheheh ???"
Nagawa pang makipagbiruan ng Celebrity Playtime host sa Kapamilya actress na si Alex Gonzaga sa Twitter matapos mabalitaan ng huli na na-ospital nga si Luis.
@luckymanzano naospital ka daw? Namaga daw ingrown mo? Pwede naman yan sa parlor ayusin
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) March 13, 2016
Siguro pag dinelete ko number mo at mag unfollow sa social media accounts mo, gagaling ako. Pabigat ka masyado e. https://t.co/nmHD2hcklk
— Luis Manzano (@luckymanzano) March 13, 2016
Madami ako dummy at bogus accounts napapaligiran kita https://t.co/IDtakpx12r
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) March 13, 2016
Kanina, March 13, muling nagbigay ng update si Luis sa kanyang mga social media followers at sinabing na-discharge na siya sa ospital.
Biro ni Luis: "Hi everyone! Kaka discharge ko lang, nakita sa blood tests na sobrang gwapo ko at iba ang hotness ko, very much above normal daw, haaaay."
