Ibabalik na raw ng hacker ang Instagram account ni Maine Mendoza.
Kagabi, February 23, na-hack sa pangalawang pagkakataon ang IG account ni Maine.
Read: Maine Mendoza's Instagram account hacked again
Deleted na ang lahat ng posts ng mainedcm Instagram account.
Pero nananatili pa ring 2.2 million followers nito at isa lamang ang pina-follow niya—si Alden Richards, ang kalahati ng tambalang AlDub.
Sa biography section naman ng account, nakasulat ang mga ganitong salita: “i will put your email so rest the password, i know i'm wrong i'm sorry.”

Kagabi, February 23, nagbigay ng mensahe si Maine sa kanyang fans sa pamamagitan ng Twitter:
Tulog na kayo, I'm fine ???
— Maine Mendoza (@mainedcm) February 23, 2016
