Isa na namang follower niya sa Instagram ang sinagot ng Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa hindi magandang sinabi nito sa kanyang bunsong anak na si Bimby.
Kahapon, June 24, ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account (withlovekrisaquino) ng larawan ni Bimby, 8, na nakangiti at nakasuot ng puting T-shirt at gold na kuwintas.
Sa caption nito ay ikinuwento ng TV host-actress ang nakaka-touch na sinabi sa kanya ng anak:
A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onJun 24, 2015 at 4:05am PDT
Isang follower naman ni Kris, na may user name na angelo_pogi20, ang nagkomento ng ganito:

Tila hindi naman nakapagtimpi si Kris at sumagot agad sa naturang basher.
Pero sa halip na magalit, nagpahatid na lang ng kanyang awa ang Queen of All Media pagkatapos niyang makita ang IG account na nasabing follower.

Humingi naman agad ng paumanhin si angelo_pogi20, pero nagbiro rin ito kung saan puwede ipadala ang "act of charity" na sinabi ni Kris.


Hindi na ito sinagot ni Kris.
Pero tila kinuyog naman ng iba pang followers ni Kris si angelo_pogi20 at siya ang binash ng mga ito.
Kaya sagot dito ni angelo_pogi: "nag sorry napo ako kay @withlovekrisaquino sana wag naman kayong ganyan sakin over naman kayo magalit pati sa account ko nag cocoment kayo. sorry na po sa inyong lahat"
Samantala, may isa namang follower na sarkastikong nagtanong tungkol sa suot na kuwintas ni Bimby sa ipinost na larawan ni Kris.

Medyo may pagka-sarkastiko ring sagot ng TV host-actress:

