Anim na linggo o two and a half months nang buntis sa kanyang panganay na anak ang dating Viva Hot Babe at Pepito Manaloto star na si Jen Rosendahl.
Nitong Lunes, May 25, ibinalita ni Jen ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram, kalakip ang litrato ng kanyang unang ultrasound.
6 weeks ☺ï¸ÂðŸ‘ÂðŸÂ¼ 1st ultrasound ðŸ‘Â
A photo posted by Just Sharing 😘😘😘 (@jenrosendahl) onMay 24, 2015 at 10:53pm PDT
Ikinasal si Jen sa asawa nitong si Jules Changco noong September 2013, sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.
Samantala, nagpaabot ng pagbati ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Jen, kabilang na ang fellow Viva Hot Babe nitong si Maui Taylor at ang kanyang co-star sa Pepito Manaloto na si Mosang, dahil sa kanyang pagbubuntis.
Comment ni Mosang sa Instagram post ni Jen: “Whoaa..hello angel stay put at kapit kay mommy @jenrosendahl the whole world is excited for u..see u soon..”
Sabi naman ni Maui: “Finally!😊 congrats jen!”
